DFA, kinumpirmang may nasawing Pinoy sa pagtama ng magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar

DFA, kinumpirmang may nasawing Pinoy sa pagtama ng magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar

KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkasawi ng isang Pilipino sa Myanmar kasunod ng pagtama ng magnitude 7.7 na lindol noong Marso 28.

Ayon sa DFA, positibong kinilala ang labi ni Francis Aragon ng kanyang kapatid na si Alvin Aragon.

Si Francis ay kabilang sa apat na Pilipinong naiulat na nawawala sa Mandalay, Myanmar matapos ang malakas na pagyanig.

Sinabi naman ng DFA na patuloy na rin ang search and rescue operations sa tatlo pang Pinoy na nawawala.

Kapwa nagta-trabaho bilang guro ang mga ito sa Mandalay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble