DICT naglunsad ng “Free Wi-Fi for All” sa Tawi-Tawi

DICT naglunsad ng “Free Wi-Fi for All” sa Tawi-Tawi

INILUNSAD ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang ‘Free Wi-Fi for All’ program sa Tawi-Tawi.

Ito’y upang palawakin ang digital connectivity sa mga liblib na komunidad lalo na sa geographically isolated at disadvantaged areas (GIDAs) sa Bangsamoro Region na matagal nang walang internet.

Katuwang sa proyektong ito ang Bangsamoro Ministry of Transport and Communications.

Samantala, ayon kay DICT Asst. Secretary Philip Varilla, kasalukuyan silang nakipag-ugnayan sa Japan para sa pagbuo ng wireless backbone network mula Zamboanga hanggang Tawi-Tawi.

Bahagi ito ng mas malawak na ‘Digital Bayanihan’ program ng DICT na naglalayong masiguro ang digital inclusivity para sa lahat.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble