Diether Ocampo, nasa ospital matapos masangkot sa aksidente

Diether Ocampo, nasa ospital matapos masangkot sa aksidente

DINALA sa ospital ang aktor na si Diether Ocampo matapos na maaksidente kaninang madaling araw sa Makati.

Ayon sa pulisya, sumalpok ang SUV ng aktor sa isang nakahintong dumptruck sa Makati.

Wasak ang harap na bahagi ng kanyang sasakyan.

Dinala si Ocampo sa ospital at wala pang impormasyon tungkol sa kanyang kalagayan.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente.

Follow SMNI NEWS on Twitter