Digitalization sa mga serbisyo, pangunahing prayoridad ng SSS

Digitalization sa mga serbisyo, pangunahing prayoridad ng SSS

SINISIGURO ng pamunuan ng Social Security System (SSS) na nasa top priority nila ang digitalized na paghahatid ng serbisyo.

Ayon kay SSS President and CEO Michael Regino, na patuloy nilang tututukan ang digitalization hanggang sa mga susunod na taon.

Pagbibigaydiin pa nito na naging bagong normal na, lalo na ngayong pandemya dala ng COVID-19 ang mga online transactions kaya plano nilang dagdagan ang kanilang online services.

Sa kasalukuyan ang ilan sa mga online services nila ay ang MY.SSS PORTAL, SSS MOBILE APP, TEXT-SSS, uSSSap Tayo Portal, aTSelf-service Express Terminals.

Dagdag pa ni Regino, noong 2021 sa mahigit 52 milyong transaksyon na kanilang natanggap hindi kabilang ang inquiries, nasa 82.7 porsiyento sa mga transaksyon o katumbas ng mahigit 43.52 million ay ginawa sa online.

 “In 2021, out of the 52.62 million transactions we received, excluding inquiries, 43.52 million or 82.7 percent were made using our online channels,” pahayag ni Regino.

Mayroon aniya silang 30 member services at over 20 employer services na maaaring ma-access sa My.SSS Portal.

Kabilang dito ang transactions for membership, contributions, loan granting and repayments, benefit disbursements, at marami pa.

 “Since the My. SSS Portal is our main online channel, almost all of the new online services are made available here first. However, intensified efforts are also put towards making the services in this portal accessible in the SSS Mobile App for smartphone users,” dagdag ni Regino.

Samantala, sa mga miyembro naman nila na walang kakayahan na mag-online ay maaaring makipag-transact sa kanilang mga e-Center branches sa buong bansa.

 “We are gradually implementing mandatory online transactions for our programs. However, those without the personal means to transact with us online may use the e-Centers in our branches,” ani Regino.

Maaaring makapag-avail o maka-inquire sa mga serbisyo ng SSS sa halos lahat ng online platform: website, FB page, Twitter account, Instagram, YouTube at maging sa Viber.

 

Follow SMNI News on Twitter