BINIGYANG-diin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kahalagahan ng mga barangay para sa pag-unlad ng bansa.
Krusyal ang ginagampanan ng mga barangay upang isulong ang kaunlaran ng bansa, partikular na sa pagtatapos ng insurhensiya sa Pilipinas.
Ito ang binigyang punto ni Interior Undersecretary Felecito Valmocina at Brgy. Sta. Ana Chairman Venancio Santidad ng Pateros sa Programang Laban Kasama ang Bayan nitong Mayo 2.
Ani Usec. Valmocina, upang tuluyang mawakasan ang mga komunistang teroristang grupong Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa bansa, dapat itong tapusin sa level pa lang ng barangay.
Ipinanawagan din ni Valmocina sa bawat barangay na apektado pa ng insurhensiya na palakasin ang kanilang intelligence, nang sa gayon ay di na maulit pa ang mga karahasang ginawa ng mga NPA sa mga maliliit na komunidad sa kanayunan.
Mga barangay dapat tutukan vs insurhensiya – Pateros BTF-ELCAC
Samantala, ayon naman kay Punong Barangay Santidad ng kauna-unahang Barangay Task Force ELCAC, ang Barangay Sta. Ana, Pateros, na dapat pumipili ang mga Pilipino ng mahusay at mapagkakatiwalaan mamumuno sa bawat barangay.
Sa huli ay ipinanawagan ni Santidad na huwag nang manatili pa sa Metro Manila ang operatiba ng CPP-NPA-NDF.