‘Dirty politics’ ang pagtanggal kay VP Sara sa NSC—Atty. Panelo

‘Dirty politics’ ang pagtanggal kay VP Sara sa NSC—Atty. Panelo

TINAWAG ng dating Palace Spokesman na si Atty. Salvador Panelo na “dirty politics” ang pagtanggal kay Vice President Sara Duterte bilang miyembro ng National Security Council (NSC).

Ang pagtanggal kay VP Duterte sa NSC ay nakapaloob sa Executive Order No. 81 na inisyu ni Marcos Jr. kamakailan kung saan tinanggal din ang mga dating pangulo bilang bahagi ng konseho.

Ayon kay Panelo, ang pagtanggal sa mga dating pangulo sa NSC ay upang takpan o paraan lamang upang magmukhang hindi si VP Duterte ang target ng reorganisasyon.

Sinabi rin ni Atty. Panelo na ito rin ay isang hayagang hakbang ng kritiko para pababain ang “political star power” ni VP Sara.

 

 Follow SMNI NEWS on Twitter