Disiplina sa pagkain at regular na ehersiyo, pangunahing sandata kontra liver disease

Disiplina sa pagkain at regular na ehersiyo, pangunahing sandata kontra liver disease

MULING ipinaalala ng Hepatology Society of the Philippines (HSP) sa publiko ang kahalagahan ng disiplina sa pagkain at regular na ehersisyo upang labanan ang Metabolic Dysfunction-Associated Fatty Liver Disease (MAFLD).

Anila, ang pagdami ng fast food restaurants sa bansa kasabay ang hindi regular o kawalan ng ehersisyo ang malaking factor kung bakit nagkakaroon ng ganitong sakit ang isang tao.

Ayon pa sa ulat, ang maagang pagtuklas ng fatty liver ay dapat magsilbing babala dahil ang hindi agarang pagtugon nito ay nagiging sanhi tungo sa mas malala pang health issues sa hinaharap.

Samantala, ayon sa ulat ng Philippine College of Physicians (PCP), ang fatty liver disease ay tinatayang makakaapekto sa 357 milyong katao pagdating ng 2030.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble