Divorce Bill, pinaaaprubahan kasabay ng Father’s Day

Divorce Bill, pinaaaprubahan kasabay ng Father’s Day

PINAAPRUBAHAN na ni dating House Speaker at 1st District Davao del Norte Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez ang Divorce Bill kasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day.

Ayon kay Alvarez, hindi na dapat pang pilitin na pagsamahin ang dalawang tao o mag-asawang hindi na nagmamahalan.

Aniya, mabigat ang responsibilidad ng mga ama kaya kailangan na lagi silang matatag at malakas para magampanan ang kanilang pagiging tatay.

Dapat din aniyang matugunan ang isyu sa mga nabubugbog na mister o ‘Andres de saya’.

Si Cong. Alvarez ay siyang pangunahing awtor ng Divorce Bill.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter