DND, nais magkaroon ng mas angkop na AFP modernization program

DND, nais magkaroon ng mas angkop na AFP modernization program

PINAREREPASO ng Department of National Defense (DND) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang modernization program upang magkaroon ng angkop na “credible defense posture.”

Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr. na inatasan niya si AFP chief of staff General Romeo Brawner, Jr. na magsagawa ng bagong estratehiya sa modernisasyon ng militar partikular sa pag-angat ng kakayahan ng Philippine Navy.

Mainam aniya kung hindi piecemeal ang pagbili ng mga modernong kagamitan upang hindi ito magmukhang pakitang tao na modernisasyon ng AFP.

Naniniwala si Teodoro na kung maiaangat ang kakayahan ng AFP ay makakatugon ito sa mga banta.

Gayundin sa pagprotekta sa teritoryo at kapakanan ng mga mangingisda lalo na sa loob ng exclusive economic zone (EEZ).

Follow SMNI NEWS on Twitter