NAKA-alerto ang Department of National Defense (DND) sa posibleng spillover ng nangyayaring kaguluhan sa Israel.
Sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr. na binabantayan nila ang posibleng kaguluhan na gawin ng mga terorista sa iba pang panig ng mundo.
Ayon kay Teodoro, nangyari na ito noong may kaguluhan sa Middle East kung saan nagkaroon din ng pag-atake ang ISIS sa France at United Kingdom (UK).
Hinikayat naman ng Kalihim ang kooperasyon ang publiko upang mapigilan ang anumang tangkang kaguluhan sa bansa.
Sa ngayon, nagtaas na ng alerto ang Estados Unidos, Europa, at iba pang mga bansa kasunod ng sitwasyon sa Israel kung saan libu-libong inosenteng sibilyan ang nasawi kabilang ang tatlong Filipino.