DOH-Bicol, naninindigan na hindi nagdadala ng sakit ang mga itinuturok na bakuna kontra COVID-19

DOH-Bicol, naninindigan na hindi nagdadala ng sakit ang mga itinuturok na bakuna kontra COVID-19

SA kabila ng mga napapabalitang ang bakuna raw ay nagdudulot ng sakit sa publiko, nanindigan ang Department of Health (DOH) Bicol na hindi nagdadala ng sakit ang mga itinuturok na bakuna at ang pagpopositibo sa COVID-19 ng iilan sa mga nakatanggap na ng unang dose nito.

Naninindigan ang DOH-Bicol na ligtas ang lahat ng mga bakunang ginagamit para sa mga mamamayan partikular na ang mga bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Dr. Aurora Teresa Daluro, Head ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit ng DOH-Bicol, ligtas at hindi nagdadala ng anumang sakit ang bakuna kontra COVID-19, ito ang inihayag ng DOH-Bicol matapos ang kumakalat na balita at agam-agam sa COVID-19 vaccine kaugnay sa pagkakaroon ng mga insidente kung saan nagpositibo sa sakit ang iilang mga indibidwal na naturukan na ng unang dose dahil posibleng iba ang dahilan ng kanilang pagkakasakit.

Ang isang indibidwal aniya ay maaari pa ring magpositibo sa virus lalo na kung ito ay nagkaroon ng exposure sa COVID-19 positive o may travel history ngunit hindi naimbistigahan sa screening o hindi ito na contact trace.

Paliwanag pa nito na malabong ang bakuna ang maging dahilan ng pagkakaroon ng sakit ng isang tao dahil pinaka layunin ng bakunang ito ang stimulation ng immune system ng isang tao upang magkaroon ng anti-bodies na panlaban sa virus.

Dagdag pa nito na kung ang isang indibidwal ay nauna nang nagkaroon ng exposure, hindi malayong mapagkamalan na sintomas ang nararanasan nitong adverse effect ng immunization.

Ito rin ang dahilan kung bakit mahigpit na binabantayan ang mga nabakunahan na upang malaman kung ilan sa mga ito ang nagdedevelop ng mga side effects.

Sinisigurado rin ng ahensya na maari pang tumanggap ng dagdag na dose ng bakuna ang isang indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 oras na ito’y makapasa sa serye ng pagsusuri at mapatunayang fully recovered na.

(BASAHIN: DTI-Bicol nag-alok ng loan capital sa mga negosyante)

SMNI NEWS