DOH, ipatutupad na ang mahigpit na tobacco control sa bansa

DOH, ipatutupad na ang mahigpit na tobacco control sa bansa

NAKIISA ang Pilipinas sa international community para sa maigting na pagpapatupad ng tobacco control ayon sa Department of Health (DOH).

Kasunod na rin ito sa dinaluhang tenth session ng Conference of the Parties (COP10) to the World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control (WHO-FCTC) sa Panama noong Pebrero 5-10, 2024.

Kaugnay rito, ang lahat ng mga bansa na nakiisa ay bubuo ng guidelines hinggil sa cross-border tobacco advertising, promosyon, sponsorship at paglalarawan ng tabako sa entertainment media.

Maliban din sa solusyong pangkalusugan, tutugunan din ang epekto nito sa kalikasan mula sa pagpapalaki, pagmamanupaktura, pagkonsumo, at waste disposal ng tobacco products kasama na ang plastic cigarette filters.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble