Naglunsad ng online course ang Department of Health (DOH) para sa mga health care workers na nagbabakuna kontra COVID-19.
Layon ng Vaccine Demand Generation and Risk Communication online course na maturuan ang mga health care worker ng iba’t ibang paraan sa ligtas at epektibong pakikipag-usap, pakikinig at paghihikayat sa publiko para magpabakuna.
Isa ito sa mga hakbang ng DOH para marami ang maliwanagan sa benepisyong hatid ng bakuna.
Mga indibidwal na hindi nagawang magpaturok ng second dose ng COVID-19 vaccine, nasa 9%
Nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III na tanging 9% lamang ng mga vaccine recipients ang hindi nagpabakuna ng second dose ng COVID-19 vaccine.
Taliwas ito sa naunang pahayag ng isang eksperto na nasa kalahati ng mga naturukang indibidwal ang hindi nabakunahan ng kanilang second dose.
Ayon kay Duque na ang ilang vaccine recipients na hindi nakapagpaturok ng second dose ay dahil sa may sakit ang mga ito o personal na rason.
Ani ni Duque, hindi ibig sabihin nito ay hindi na maaaring makakuha ang mga ito ng ikalawang turok ng COVID-19 vaccine dahil maaari pa rin itong maturukan kahit na delayed ng ilang araw o linggo.
Paliwanag ni Duque, ang pahayag ni Epimetrics Inc. Dr. John Wong na nasa 50% ng vaccine recipients ang hindi nagawang makabalik para sa kanilang second dose ay hindi validated ng DOH bago ang forum noong Miyerkules.