DOH, nagpaalala na ’di pa tapos ang pandemya sa COVID-19

DOH, nagpaalala na ’di pa tapos ang pandemya sa COVID-19

IGINIIT ng Department of Health (DOH) na hindi pa tapos ang COVID-19 pandemic.

Ito ay kasunod ng pagtanggal ng World Health Organization (WHO) ng global health emergency sa COVID-19.

Kamakailan lang ay inulat ng DOH na nasa mahigit 100 porsiyento ang itinaas ng kaso sa unang linggo ng Mayo.

Ayon kay Usec. Maria Rosario Vergeire, magsusumite ang IATF ng rekomendasyon sa Pangulong Marcos para sa COVID-19.

Pagkatapos ng pagkaka-lift ng global health emergency.

Pero tumanggi muna ang opisyal na disclose ito sa publiko dahil confidential pa aniya ang mga nakapaloob dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter