DOJ, tinawag na fake news ng isang abogado

DOJ, tinawag na fake news ng isang abogado

TAHASANG inakusahan at tinawag ng isang abogado na may pinagmumulan ng fake news sa Department of Justice (DOJ) partikular sa isyung may kaugnayan kay dating 3rd District Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr.

Ipinaalala ni Atty. Ferdinand Topacio, isa sa mga abogado ni Teves na kabilang sa fake news ang alegasyong tinangka umanong suhulan ng anak ni Teves ang ilang opisyal sa Timor-Leste na sa bandang huli ay napatunayan naman aniya na hindi pala totoo.

Tanong pa ni Topacio na paano nasabi ng DOJ na may desisyon na sa extradition kay Teves gayung nagpapatuloy pa aniya ang mga pagdinig ukol dito.

Pinayuhan pa ni Topacio ang DOJ na manahimik muna at magsalita na lang kung tuluyan nang na-extradite si Teves.

Kasabay niyan ay nagduda si Topacio sa tunay na dahilan ng pagtungo sa Timor-Leste ng taong umano’y malapit sa First Family na pinalilitaw na bahagi umano ng trade delegation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble