DOLE naglunsad ng pambansang job fair bilang paggunita ng ika-127 Araw ng Kalayaan

DOLE naglunsad ng pambansang job fair bilang paggunita ng ika-127 Araw ng Kalayaan

TUWING Hunyo 12, ginugunita ng sambayanang Pilipino ang anibersaryo ng kalayaan mula sa pananakop. Sa temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.”, binibigyang-pugay ang mga bayani ng nakaraan at binibigyang halaga ang patuloy na pagsusumikap ng bawat Pilipino tungo sa mas maunlad na bukas.

Mula sa mga seremonya, parada, job fairs, hanggang sa mga makabayang programa—sama-sama tayong magdiwang ng diwang makabayan at muling pagtitibayin ang ating pagkakaisa bilang isang malayang bansa.

Kabilang sa mga pangunahing tampok ng pagdiriwang ngayong taon ay ang nationwide job fair na inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula Hunyo 10 hanggang Hunyo 19, 2025. Layunin nito na bigyan ng oportunidad ang mga Pilipinong naghahanap ng trabaho.

Maaaring magtungo ang mga aplikante sa itinalagang job fair sites sa iba’t ibang rehiyon para makipagtagpo sa daan-daang kumpanya mula sa iba’t ibang industriya. Sa mga lungsod at probinsya, aktibong kalahok ang mga mall, convention centers, at iba pang government venues para suportahan ang makabuluhang inisyatibong ito.

Nitong Hunyo 10, nag-umpisa ang job fair sa Region 3, partikular sa Zambales Gymnasium, Iba, Zambales.

Hunyo 11, magpapatuloy ito sa Region 2, sa SM City Tuguegarao.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble