MAGBIBIGAY ng libreng sakay ang gobyerno at magdaragdag pa ng mga bus at tren sa Metro Manila.
Ito’y upang matulungan ang mga magiging apektadong commuter sa tatlong araw na transport strike ng grupong Manibela ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon.
Ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ay magpapadala rin ng mga sasakyan upang magbigay ng libreng sakay.