DPWH magtatayo ng tulay na magdudugtong sa Samal Island at Davao City

DPWH magtatayo ng tulay na magdudugtong sa Samal Island at Davao City

WALA nang balakid sa pagtatayo ng tulay na mag-uugnay sa Samal Island at sa Davao City.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, sisimulan ang Samal Island-Davao City Connector Project ngayong taon at target na tapusin sa 2027.

May habang 3.98 km, nagkakahalaga ng ₱23.039-billion, pagdurugtungin ng modernong tulay ang Samal Circumferential Road sa Barangay Limao, Island Garden City ng Samal hanggang sa Davao City at pagitan ng R. Castillo daang Maharlika junction.

Tatàwid sa Pakiputan Strait, ang Samal Island-Davao City Connector ay may lawak na 24 na metro at vertical navigational clearance na hanggang 47 meters at taas na 73 meters.

Ang Samal Island-Davao City Connector Project ay Flagship project sa ilalim ng Build Build Build program ng pamahalaan na pinondohan ng Official Development Assistance (ODA) mula sa People’s Republic of China.

Follow SMNI NEWS in Twitter