DSWD, Kamara mamamahagi ng P750M na tulong sa mga biktima ng bagyo sa Bicol Region

DSWD, Kamara mamamahagi ng P750M na tulong sa mga biktima ng bagyo sa Bicol Region

NAKATAKDA ngayong Lunes, Nobyembre 18, 2024 ang pamamahagi ng P750M na financial assistance sa mga biktima ng Bagyong Pepito at sa iba pang mga nagdaang bagyo sa Bicol Region.

Batay ito sa pahayag ng Kamara at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa Nobyembre 21 naman ay magsasagawa ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa mga lugar tulad ng Naga City, Pili at Polangui sa Bicol.

Inaalok ng BPSF ang iba’t ibang government services gaya ng housing, healthcare at livelihood programs.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble