DSWD, nagbukas ng opisina sa San Jose del Monte, Bulacan

DSWD, nagbukas ng opisina sa San Jose del Monte, Bulacan

BINUKSAN ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang bago nitong tanggapan sa San Jose del Monte, Bulacan.

Mismong si Social Welfare Secretary Rex Gatchalian ang nanguna sa pagbubukas ng nasabing tanggapan.

Ayon kay Gatchalian, pinalapit nila sa mga residente ang serbisyo ng DSWD na palaging puntahan ng mga nangangailangan Pinoy.

Sa ngayon kasi, malayo ang ibinabiyahe ng mga taga San Jose del Monte papunta sa DSWD main office sa Batasan Hills Quezon City dahilan para magtayo sila ng extension office.

Dahil dito, puwede nang kumuha ang financial assistance ang taga SJDM nang hindi napeperwisyo sa pagko-commute.

“This office will extend financial assistance services to constituents of the city. Currently, residents of the city must commute all the way to our central office in Batasan QC to get services,” ani Gatchalian.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter