DTI at Japanese company palalawakin ang saklaw ng Pinoy products

DTI at Japanese company palalawakin ang saklaw ng Pinoy products

 MAS palalawakin pa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga oportunidad ng mga produktong Pilipino sa kalakalan.

Magiging katuwang nila sa layuning ito ang Japanese company na Pan Pacific International Holdings Corp. (PPIH).

Ayon sa PPIH, makikipagtulungan sila dahil malaki ang kanilang interes sa food and wellness items, natural and sustainable home goods, at unique lifestyle products mula sa Pilipinas.

Sa pahayag naman ng DTI, nabanggit na rin ng PPIH na magbubukas sila sa bansa ng donki store, isang japanese discount store chain.

Ang pagpupulong sa pagitan ng DTI at PPIH ay ginanap sa Tokyo noong Mayo 19, 2025.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble