NAKIPAG-UGNAYAN ang Department of Trade and Industry (DTI) sa World Economic Forum upang pasiglahin ang paglikha ng trabaho sa Pilipinas.
Ito’y para palakasin din ang katatagan ng mga manggagawa sa bansa.
Magtutulak din ito ng paglago sa pangunahing sektor ng bansa tulad ng semiconductors at electronics, business process outsourcing (BPO) at critical minerals gaya ng copper, lithium, nickel, at cobalt.
Sa katunayan, nagkita na sina DTI Sec. Cristina Roque at W-E-F, Head of Work Wages and Job Creation Till Leopold sa W-E-F annual meeting sa Davos, Switzerland para dito.