Duterte Youth nagsampa ng kaso kontra COMELEC officials sa Ombudsman

Duterte Youth nagsampa ng kaso kontra COMELEC officials sa Ombudsman

PERSONAL na nagtungo si Duterte Youth Chairman Ronald Cardema sa Office of the Ombudsman upang magsampa ng kasong Graft and Corruption laban sa Supervisory Committee ng National Board of Canvassers (NBOC).

Ayon sa kaniya, sila ang nagrekomenda ng pagpapaliban sa proklamasyon ng Duterte Youth Party-list kahit walang sapat na kapangyarihan.

Giit ni Cardema, lumabag ang mga opisyal sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa malinaw na pagkiling at kapabayaan.

Binanggit din niya na maraming ibang party-list ang may mas mabibigat na kaso tulad ng korapsiyon at terorismo pero hindi naman nasuspinde.

Damay sa reklamo ang mga director at ad interim commissioners ng COMELEC na umano’y sumunod lamang sa utos ng kanilang pinuno.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble