Quezon City — “DuterTEN ang QC!” — ‘yan ang sigaw ng daan-daang tagasuporta ng PDP Laban DuterTEN Senate Slate habang dumaraan ang makukulay na campaign floats sa Sto. Domingo at kahabaan ng Araneta Highway sa Quezon City. Walang patid ang hiyawan, sayawan, at pakikipagkamay ng mga residente sa mga kandidato ng partido.
Hindi inalintana ng mga tao ang init ng panahon, dala ang kanilang mga placards, bandila, at musika habang sabay-sabay na sumasayaw sa gilid ng kalsada upang ipakita ang buong suporta sa mga kandidato ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Game na game rin ang mga kandidato at volunteers sa pakikisalamuha sa mga residente ng Quezon City.