Quezon City — Handang handa na ang lugar na pagdarausan ng PDP Laban DuterTEN Senatorial Slate sa PhilPost Quezon City, NIA road, Brgy. Pinyahan, Quezon City.
Mayroon na ring nakapwestong mga pulis sa lugar dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao para suportahan ang Team DuterTEN.
Pinangungunahan rin ang rally ng Quezon City 4th District Congressional Candidate Atty. Bong Suntay
Inaasahan ang pakikiisa nina Atty. Jimmy Bondoc, Atty. Raul Lambino, Atty. Jayvee Hinlo, Atty. Rodante Marcoleta at Atty. Vic Rodriguez
Sasamahan rin sila ng iba pang kandidatong sina Dr. Marites Mata, Philipp Salvador, Senator Ronald Bato dela Rosa, Senator Bong Go at ang nag-iisang Pastor Apollo C. Quiboloy.