DuterTen Senate Slate kinondena ang mga naitalang aberya sa OFW Online Voting

DuterTen Senate Slate kinondena ang mga naitalang aberya sa OFW Online Voting

INUULAN ng reklamo mula sa Overseas Filipino Voters ang umano’y iba’t ibang aberya sa online voting ng Commission on Elections (COMELEC).

At ang kaliwa’t kanang reklamo—ipinarating sa DuterTen Senatorial Slate.

Sumbong ng Pinoy voters sa mga pambato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte—hindi tugma ang mga pangalang kanilang ibinoto sa nakasulat sa resibo.

Ang posibilidad ng election fraud, mapapanood sa viral video na ito: Video Link

Ayon sa grupo, hindi makatarungan ang nangyayari sa boto ng mga OFW kung totoo man ang isyu.

Sa kabila ng isyu ng pandaraya, nanawagan ang DuterteTen slate sa Pinoy voters na huwag ma-discourage at bumoto pa rin sa eleksiyon.

Narito ang pahayag ng DuterteTen Senate Slate…

OFWs, go out and vote. Mag green sa araw ng halalan,” ayon kay Atty. Jimmy Bondoc, DuterteTen Senate Slate.

“Magtatagumpay po ‘yung mga mandurugas kapag hindi kayo boboto. Gawin po natin ang pagboto,” wika ni Boss Dada TV, kinatawan ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble