ITINALAGA si Dwight Ramos bilang team captain ng Asia All-Stars Team para sa nalalapit na Asia Rising Star event ng Japan B. League All-Star Weekend sa Okinawa.
Ibig sabihin, si Ramos ang mangunguna sa lahat ng kapwa nito Pinoy imports maging ang imports sa iba pang Asian countries.
Makakasama ni Ramos sa Asia All-Stars Team sina RJ Abarrientos, Thirdy, Kiefer Ravena, Ray Parks, Jr., Matthew Wright, Kai Sotto, Carl Tamayo, Roosevelt Adams, at Greg Slaughter.
Mga umuusbong na Japanese Stars sa B. League naman ang makakalaban nila.
Ang All-Star Weekend ay gaganapin sa Enero 12-14, 2024.