DYAR 765 Sonshine Radio Cebu, pinarangalan sa Dangal ng Lahi Awards 2023 

DYAR 765 Sonshine Radio Cebu, pinarangalan sa Dangal ng Lahi Awards 2023 

IBA’T ibang parte ng bansa at sektor ng lipunan ang bumisita sa Cebu para tanggapin ang pagkilala ng Dangal ng Lahi Awards 2023 sa kani-kanilang kontribusyon sa lipunan.

Ginanap ang naturang parangal sa isang hotel sa Cebu kung saan iba’t ibang personalidad, grupo, public servants ang kinilala sa ika-6 na Dangal ng Lahi Awards 2023 na ginanap nitong araw ng Martes, Nobyembre 28, 2023.

Ang naturang parangal ay pagkilala sa mga natatanging Pilipino na may dangal at ambag sa bansa at nakapagbigay inspirasyon sa mga Pilipino sa kanilang larangan na pinangunahan ng kanilang founder na si Dr. Lito Buan.

Isa sa pinarangalan ang DYAR 765 Sonshine Radio Cebu bilang Outstanding Radio in Public Service, ang DYAR ay isa sa mga radio stations ng Sonshine Media Network International (SMNI) na ang pangunahing adbokasiya ay ang pagtataguyod sa ikabubuti ng bansa o nation-building na siyang turo ng butihing Pastor Apollo C. Quiboloy.

Maraming maraming salamat po sa mga bumubuo ng Dangal ng Lahi Awards 2023 sa parangal na binigay niyo sa DYAR 765 Sonshine Radio Cebu, isa sa mga radio stations po ng Sonshine Media Network International (SMNI). Patuloy po ang pagbibigay namin ng public service katuwang ng ating pamahalaan in nation-building. Ito po ang isa sa mga adbokasya ng SMNI para maihatid ang mahalagang impormasyon, totoong balita para po sa ating mga kababayan. Salamat po sa parangal na binigay niyo sa DYAR 765 Sonshine Radio Cebu,” ayon kay Jimrey Biosa, Station Manager, DYAR 765 Sonshine Radio Cebu.

Ang DYAR ay may mga programa at serbisyo na ipinagkakaloob sa malalayong lugar katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Ilan din sa nakatanggap ay si Cebu Governor Erico Aristotle Aumentado na hinirang bilang Outstanding Governor of the Year at naging front page sa Volume 2, at Issue No. 2 sa Dangal ng Lahi Magazine bilang Extra Ordinary Men and Women of the Philippines, an Empowered Public Servant with a Compassionate Heart.

“Fullfilling ito para sa aking sarili kasi nakikita ko na nasa tama tayong dereksyon dahil ‘yung mga taga ibang lugar ang nag recognize sa atin na siyang nangunguna sa aktibidad na ito, which for me maipagmamalaki ito ng mga taga-Bohol,” ayon kay Hon. Erico Aristotle Aumentado, Governor, Province of Bohol.

Samantala, may nakatanggap naman ng parangal mula sa pulisya, public service, at iba pa.

“Unang-una po nagpapasalamat muna tayo sa Taas because without Him wala ang ganitong pangyayari sa buhay natin, pangalawa, pinapasalamatan din natin ‘yung organizers, the men and women behind this award giving body Dangal ng Lahing Pilipino for choosing me as one of this year’s recipient and I offer and share this award to the Philippine National Police,” ayon kay PSSg. Arjay Estolas Payumo, Chief Information Officer, 1503RD MC, RMFB 15 PRO-Cordillera.

“Actually, I’m very grateful na na-recognize ako ng Dangal ng Lahi Awards as one of the most promising civil engineer kasi actually madami talaga sa atin na nagpupursige not just for ourselves but for our community. Very nice at least may recognition,” ayon kay Almina Marie Gange, Municipal Engineer, LGU, Palawan.

Ito ang unang pagkakataon na ginanap sa Cebu ang Dangal ng Awards kung saan ayon sa founder nito na si Dr. Lito Buan, balak nitong ikutin ang buong bansa upang maipaalam sa mga Pilipino na ang Dangal ng Lahi Awards ay pagkilala sa kagalingan at kahusayan ng ating lahi.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble