BANTA sa insidente ng sunog ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) ay E-scooter.
Pinaalalahanan ng BFP ang publiko na mag-ingat ngayong paparating na ang El Niño phenomenon.
Sa panayam ng media araw ng Martes kay BFP Director Louie Puracan, sinabi nito na isa sa madalas na sanhi ng sunog ang mga electronic materials gaya ng mga rechargeable gadgets at appliances.
Pero bukod sa mga ito, marami rin aniya ang insidente ng sunog na dulot ng depektibong e-scooter at e-trike matapos na napag alamang second hand o sa online lamang nabili ang mga ito.
Payo ng BFP, huwag bumili ng mga second hand na bagay dahil kadalasa’y dulot nito ay trahedya gaya ng sunog lalo na ngayong kasagsagan ng tag-init na panahon.
Batay sa datos ng BFP, tumataas ng 39-40 percent ang kaso ng sunod tuwing sasapit ang El Niño sa bansa.