Eastern Visayas isinailalim sa state of calamity

Eastern Visayas isinailalim sa state of calamity

ISINAILALIM sa state of calamity ang buong Eastern Visayas.

Idineklara ito sa pamamagitan ng Proclamation No. 920 ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Sa katunayan, ang state of calamity ay nag-umpisa na noong Hunyo 5 at tatagal ito ng halos isang taon maliban na lamang kung ito ay maagang bawiin o palawigin depende sa sitwasyon.

Layunin naman nito ang mapabilis ang pagkukumpuni at rehabilitasyon ng San Juanico Bridge at mapagaan ang epekto nito sa mga residente ng Samar at Leyte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble