HINDI naging sapat ang ebidensiya ng awtoridad upang madiin sa kaso si Hannah Mae Oray, ang sekretarya ni Negros Oriental 3rd District Representative Arnulfo ‘Arnie’ Teves, Jr.
Ito ang iginiit ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo dahilan para mapalaya si Oray na naunang inireklamo ng paglabag sa RA No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
Ayon kay Fajardo, hindi pag-aari ni Oray ang armas na nakumpiska ng awtoridad ngunit sa kaniyang mister.
Mananatili naman sa kustodiya ng PNP CIDG ang mister ni Oray dahil sa kaniya nakapangalan ang armas.
Samantala, patuloy ang paghahanda ng awtoridad sa mga dokumento upang matiyak ang “airtight” case laban sa mga isinasangkot sa krimen.