ITUTURING lang na ordinaryong working day hinggil sa wage computation ang February 25, 2025 ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ito’y kahit ipinagdiriwang ngayong araw ang Ika-39 Anibersaryo ng EDSA people revolution.
Ibig sabihin, kung pipiliin ng sinuman na hindi pumasok sa kani-kanilang trabaho ngayong araw ay hindi rin sila makatatanggap ng sweldo maliban na lang kung may hiwalay na panuntunan ang kanilang kumpanya ayon sa ahensya.
Sa kabilang banda, ang mga walang pasok ngayong araw ay ang mga paaralan tulad ng Adamson University; Immaculate Concepcion Academy; St. Pedro Poveda College; Xavier School; De La Salle Ph; University of Sto. Tomas; St. Scholastica’s Academy of Pampanga; University of the Philippines-Cebu; At Ang Congregatio Immaculati Cordis Mariae Philippines School Network sa Tuguegarao.
Ito’y dahil makikibahagi sila sa paggunita ng anibersaryo.
Ang EDSA People Power revolution ay naganap noong February 22 hanggang 25, 1986.
Follow SMNI News on Rumble