LUMALAGO na ang aktibidad sa ekonomiya ng Pilipinas base sa pinakahuling data sa trade at manufacturing sectors ayon sa Department of Finance (DOF).
Sa economic bulletin na ipinalabas ng DOF, sinabi ni Finance Undersecretary at Chief Economist Gil S. Beltran na ang recovery trends ay parehong nakita sa datos ng kalakalan noong Pebrero at sa manufacturing report noong Marso.
Base sa data, ang kabuuang external trade ng mga kalakal ay bahagyang tumaas noong buwan ng Pebrero.
Mula sa $12.8 billion ng kaparehong buwan noong nakaraang taon, tumaas ang total merchandise trade nitong Pebero ng 0.6% na nagkakahalaga ng halos $13 billion.
Ang Purchasing Managers’ Index (PMI) naman sa unang tatlong buwan ng 2021 ay nanatiling mataas sa 50 na nagpapahiwatig ng paglawak ng mga manufacturing activity sa bansa.
Ang PMI ang nagbibigay ng mabilis na overview sa kalagayan ng manufacturing sector batay sa limang indicators: new orders, output, job creation, supplier delivery times at inventories.
Ang PMI na mas mababa sa singkwenta ay nagpapahiwatig ng contraction.
Ang mga PMI ng Bangko Sentral ng Pilipinas na Philippine Institute for Supply Management (PISM) ay nagpakita na ang manufacturing conditions ng bansa ay nanatili sa expansion territory: 52.7 sa Enero, 50.3 sa Pebrero at 53.2 sa Marso.
Sa PMI readings naman ng IHS Marikit, isang firm na ang nagtatala ng mga PMI data, ay nanatili din sa taas ng 50 mula Enero hanggang Marso.
Nangangahulugan ito na bumubuti na ang manufacturing sector.
Ngunit sa kabila ng magandang report ng PSA at PMI, saad ni Beltran hindi pa rin magiging stable ang economic recovery ng Pilipinas dahil sa mga bago at mas nakakahawang variants ng COVID-19.
“The rebound in merchandise trade and indicators of expansion in manufacturing activities signify that the green shoots of economic recovery are growing, albeit precariously given downside risks posed by COVID-19 and the uncertainties of its variants,” pahayag ni Beltran.
(BASAHIN: R&I, saludo sa reform agenda ng Pilipinas na napanatili ang ‘stable’ rating)