DAPAT sagutin ng mga kandidatong tumatakbo sa pagkapangulo ng bansa ang posibleng maging epekto sakaling tuluyan nang sakupin ng Russia ang Ukraine.
Ito ang inihayag ni Senate President Juan Ponce Enrile sa kanyang programa sa Sonshine Radio.
Ani Enrile, isa lang ito sa mga malalaking kakaharaping problema ng susunod na maging pangulo ng Pilipinas na dapat alam ng mga kandidato ngayon pa lamang.
Giit ni Enrile, sakaling magkaroon ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, malaki ang epekto nito sa bansa lalo na sa usapin ng produksyon ng mga produktong petrolyo na ini-import sa bansa.