EU, hinimok na mas lalong iparamdam ang presensya sa Pilipinas – Polish official

EU, hinimok na mas lalong iparamdam ang presensya sa Pilipinas – Polish official

HINIMOK ng Polish Undersecretary for Foreign Affairs ang European Union (EU) na mas lalo pang iparamdam sa Pilipinas ang presensya nito.

Bumisita sa Pilipinas si Marcin Przydacz ang Undersecretary of State ng Ministry of Foreign Affairs of Poiland.

Ayon sa Polish official nasa Pilipinas ito upang isulong ang pagkakaroon ng mas malalim pa na relasyon sa pagitan ng Poland at Pilipinas, lalong lalo na ngayon ay nakatuon sa Indopacific Region ang atensyon ng mga bansa mula sa Europa.

“Of course we are aware of the fact there is a shift into the Indopacific Region Asia that is the continent of the 21st Century you are densely populated region the biggest in terms of population and the most important problem in the future economically part of the world is quite natural for us Europeans this part of the world is very much interesting,” ayon kay Mr. Marcin Przydacz, Undersecretary of State, Ministry of Foreign Affairs of Poland.

Ayon kay Przydacz, naniniwala ito na dapat ang European Union ay dapat mas ipakita pa sa Pilipinas ang presensiya nito sa pamamagitan ng mga investments sa bansa at iba pang interes na kapakipakinabang.

 “What could the EU do, I think first should be a bit more present here diplomatically in terms of investments, in terms of our political interest, not just touristically of course its beautiful everybody knows in this part of the world everybody likes Philippines and other countries in the region but it’s not only one week you know being happy in the sun and wonderful people,” ayon pa kay Przydacz.

Sinabi rin ng Polish official na ito ang dahilan kaya muling binuhay ng Poland ang embahada nito sa Pilipinas upang maramdaman ang kanilang presensya diplomatically man o economically.

 

Follow SMNI News on Twitter