TAMPOK si Eugene Domingo sa magiging Filipino staging ng ‘Into the Woods’ na isang musical.
Sa anunsiyo ng Theatre Group Asia, gaganap bilang ina ni Jack ng ‘Jack and the Beanstalk’ si Eugene.
Makakasama niya rito si Lea Salonga na gaganap muli bilang ‘The Witch’ matapos ang 30 taon.
Ang musical ay gaganapin sa Samsung Performing Arts Theater sa Makati ngayong Agosto.