Ex-Press Secretary Trixie Angeles, nakiisa sa Laban Kasama Ang Bayan Prayer Rally

Ex-Press Secretary Trixie Angeles, nakiisa sa Laban Kasama Ang Bayan Prayer Rally

PATULOY na dumadami ang nakikiisa sa Laban Kasama Ang Bayan Prayer Rally upang ihayag ang kanilang suporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ.

Nitong araw ng Huwebes ang Liwasang Bonifacio ay siksikan ang mga raliyista.

Kabilang sa mga nakiisa upang ihayag ang kaniyang hinaing sa Marcos Administration ay si Dating Press Secretary Trixie Angeles.

Si Angeles, na masugid na tagasuporta ni Bongbong Marcos sa panahon ng kampanya para sa 2022 Elections, ay kabilang sa mga ‘di makatarungang niligwak sa trabaho sa Malakanyang nang walang sapat na dahilan.

“Pati mga taong simpleng mamamahayag kailangang tanggalan ng trabaho…. Tanggalan ng boses,” pahayag ni Atty. Trixie Cruz-Angeles, Former Press Secretary.

Atty. Trixie Angeles, ramdam ang dinadanas ng SMNI sa gobyerno

Sa kaniyang pagsalita sa entablado inihalintulad ng dating kalihim ang kaniyang pagkatanggal sa posisyon sa gobyerno sa sinapit ng SMNI na pilit na binubusalan ang boses.

“Ikinagagalak ko po na makita ko kayong lahat ngayon… Titindigan natin ang ating karapatan,” dagdag ni Angeles.

Bilang dating kalihim, inisa-isa ni Atty. Trixie ang mga pangako ng gobyerno ni Marcos Jr.

Aniya tila nakalimutan na ni Marcos ang pangako na murang bigas, maayos na kuryente, tubig, at iba pa.

“Sabi ng pangulo natin, at eto ang naaalala ko… Nasaan na ‘yung pangako ng hustisya?” diin pa nito.

Bukod kay Atty. Trixie, kabilang din sa mga dumalo sa day 2 ng Laban Kasama Ang Bayan Prayer Rally sina Coco Naik at Astra Pimentel-Naik ng PDP-Laban, at ang mga dating kadre ng CPP-NPA na sina Ka Peter Mutoc, at Ka Eric Celiz.

Ang Laban Kasama Ang Bayan Prayer Rally ay bukas para sa lahat ng nais makiisa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble