Exclusive lane para sa mga motorsiklo, planong ilagay sa EDSA at Commonwealth Avenue

Exclusive lane para sa mga motorsiklo, planong ilagay sa EDSA at Commonwealth Avenue

IKINATUWA ng motorcycle drivers ang plano na mabigyan ng exclusive lane ang mga motorsiklo sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Batay sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA),  higit 410-K na ang bilang ng mga sasakyan na bumabaybay sa EDSA as of October 12.

Mas mataas ang nasabing bilang kung ikukumpara noong pre-pandemic.

Bilang ng mga sasakyan na dumadaan sa EDSA:

Pre-pandemic                 405,000

July                                     400,829

August                              387,003

September                       392,104

October                           410,000

SOURCE: MMDA

Kung ang mga motorcycle driver ang tatanungin, delikado para sa kanila ang sitwasyon ng EDSA sa sobrang dami ng sasakyan ngayon.

Ayon sa MMDA, nakapagtala sila noong 2021 ng 26,768 motorsiklong sangkot sa road accidents.

Sa datos ng MMDA Traffic Engineering Center, umabot na sa higit 133-K na motorsiklo ang bumabaybay sa Commonwealth Ave at higit 141-K naman sa EDSA kada araw.

 

Bilang ng mga motorsiklo sa Metro Manila

(AS OF 2021)

Commonwealth Ave.     133,591

EDSA                                     141,564

 

SOURCE: MMDA

Dahil dito naging pangunahing talakayan sa isinasagawang two-day motorcycle consultation workshop ng MMDA ang pagtatalaga ng exclusive lane sa mga motorsiklo sa mga pangunahing kalsada sa NCR.

Target ng MMDA na mabigyang-solusyon ang dumadaming bilang ng motorcycle accidents.

Sa Commonwealth muna maglalagay ng motorcycle lane kung saan magsasagawa muna ng simulation at target na maipatupad ito sa Nobyembre.

Para sa mga motorcycle driver, malaking bagay na mabigyan sila ng sariling linya sa mga kalsada para sa kanilang kaligtasan.

Follow SMNI NEWS in Twitter