SUSPENDIDO ang pasok ng mga estudyante sa lahat ng day care centers sa buong Valenzuela simula nitong Abril 3, 2024.
Batay sa kautusan ni City Mayor Wes Gatchalian kay Dorothy Evangelista na Chief of Staff ng Social Welfare Operations ay wala na munang face-to-face classes ang mga batang mag-aaral sa buong Abril para maingatan ang mga ito at makaiwas sa posibleng perwisyo na idudulot ng sobrang init ng panahon.
Dahil diyan, agad namang inatasan ni Early Childhood Care and Development (ECCD) focal person Emelie Ubiña ang lahat ng mga supervisor at day care center teachers na isailalim muna sa online classes ang mga estudyante para tuluy-tuloy pa rin ang pag-aaral ng mga bata.
Nabatid na mayroong 91 na mga day care center na nasa 33 barangays sa lungsod ang nasa ilalim ng pamamahala ng local government unit ng Valenzuela.