SUSPENDIDO na ang filing ng certificates of candidacy (COC) para sa Brgy. at SK Elections (BSKE).
Ang filing ng COC ay gaganapin sana mula October 22-29, 2022.
Maliban sa filing ng COC ay suspendido rin ang mga nakalinyang aktibidad gaya ng election period, gun ban, at ang para sa filing ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Ginawa ng COMELEC ang kanselasyon ng mga naturang aktibidad pagkaraang maisabatas ang panukala para sa pagpapaliban ng BSKE sa Dec. 5, 2022.
Ang mga ito ay ipagpapatuloy na lamang ilang buwan bago mag-Oktubre 2023, ang bagong petsa para sa BSKE.