Former NSC Carlos sa tensiyon sa WPS: Nobody wants to go to war

Former NSC Carlos sa tensiyon sa WPS: Nobody wants to go to war

NAGBIGAY ng pahayag ang dating National Security Adviser (NSA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa giriian ng China at Pilipinas.

“Nobody wants to go to war and paghawakan natin ang sinabi ni President Bongbong, I cannot remember now how many months ago na sinabi niya the exercise will never be use by any power for any offensive purposes panghawakan natin ‘yun,” pahayag ni Prof. Clarita Carlos, Former NSC, PBBM Admin.

 Ito ang naging pahayag ng dating NSA ng kasalukuyang administrasyon na si Professor Clarita Carlos patungkol sa tumataas na tesiyon ng Pilipinas at Tsina dahil sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Carlos, bago pa man siya magbitiw sa kaniyang puwesto sa kalagitnaan ng Enero ng nakaraang taon, ay ipinagbilin nito kay Pangulong Marcos na bigyang importansiya ang naturang isyu.

“The move of the president the continued actions of China is not acceptable to us, is not acceptable, I’m sure Eric you would agree with us, and therefore we need to do something or we will face the international communities I really hope to the officers of the Chinese Embassy…”

“Kasi ang unang-una niyang statement, foreign policy statement niya, China is friend our neighbor, our partner,” diin ni Carlos.

Samantala, para naman kay Herman Tiu Laurel, isang batikang political analyst, tila pumihit ng bahagya si Carlos sa kaniyang mga naunang tinuran bago pa man ito mailukluk sa kaniyang dating posisyon bilang NSA ng Marcos administration

“It’s important to point out that objectivity requires we do not re entanglement on either side kasi nabanggit nga ni Professor Carlos that she is working with the government through the office of Tambaloslos I think compromising kaya po ‘yung ibang mga aspeto na dati pong naririnig ko sa kaniya ay naiiba in this discussion of hers, but we understand people have to make a living,” wika ni Herman “Ka Mentong” Tiu Laurel, Political Analyst.

Zelenskyy, hindi na maituturing na presidente ng Ukrainepolitical analyst

Sa kabilang banda naman ay ibinahagi ni Ka Mentong ang kaniyang pananaw sa pagtanggap ng Pilipinas sa Pangulo ng Ukraine na si Volodymyr Zelenskyy sa bansa.

“Ang pag-imbita po kay Zelenskyy po malinaw po ‘yan pagtutukod kay Zelenskyy na bagsak na po sa sariling bansa, hindi na po presidente ‘yan kaya ‘di po nararapat na imbita na ‘yan at lalong di nararapat guard of honor po ‘yan diktador na po ‘yan.”

“Kalahating milyon na sa mga kabataan nilang kasundaluhan ang napatay na, at ngayon may bagong utos si Zelenskyy na buksan ang mga preso para ilabas ang mamamatay tao manggagahasa, mga kriminal para magsundalo na para sa Ukraine kasi ubos na po, binaba pa nila ang conscription age from 27 to 25 kasi ‘yung 26 to 27 years old ubos na eh, ‘yan po ang ginagawa ng America sa Pilipinas,” ayon pa kay Ka Mentong.

BBM, hindi na dapat magtagal sa puwesto kung hindi babalik sa nauna nitong foreign policy—Ka Mentong

Kaya naman para kay Ka Mentong, ‘di na dapat magtagal si Bongbong Marcos sa kaniyang patuloy na tinatahak na direksiyon, liban lang kung magbalik ito sa kaniyang naunang ipinangako sa mga Pilipino, bago pa man ito maging Pangulo ng bansa.

“Kung bumalik po siya doon sa kaniyang patakaran, the true independent policy friends to all enemy to none tanggalin niya ang base militar ng Estados Unidos at mga missiles eh balik po tayo sa normal at matutuwa po tayo ulit kay Presidente Marcos,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble