NOONG nagdaang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, labis ang pasasalamat ng mga Pilipino sa war on drugs campaign nito na nagresulta sa pagbaba ng kriminalidad sa buong bansa.
Sa panahong ‘yon, mga malalaking pagawaan o laboratoryo ng ilegal na droga ang sinasalakay ng mga awtoridad.
Pero ngayon, sa loob ng dalawang taong pag-upo ni Marcos Jr. sa Malakanyang ay ipinagyabang niya ang P44-B umano na halaga ng ilegal na droga na nakumpiska sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
“And yet in more than 71,500 operations it has resulted of more P44-B worth of illegal drugs,” saad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pagmamalaki pa ni Marcos Jr. – bumaba na rin umano ang krimen sa buong Pilipinas.
“We noted an overall decrease in crime rate and an improvement in crime solution efficiency but this is not enough,” ani Marcos Jr.
Bagay na hindi ramdam ng mga Pilipino.
Sa katunayan ayon sa Forbes – ang Maynila ang pang-lima sa pinaka-delikadong siyudad sa buong mundo para sa mga turista.
Samantala, hindi naman bumilib si dating Pangulong Duterte sa mga sinabi ni BBM sa huli nitong State of the Nation Address (SONA) patungkol sa war on drugs at peace and order.
“You know, it’s not how much or how many sacks, hindi ‘yan ang pinag-uusapan sa droga because droga is being manufactured everywhere,” giit ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Tungkol naman sa tumataas na krimen na nagdulot ng takot sa mga Pilipino – sinabi ng dating pangulo na sa panahon niya mahigpit ang kaniyang utos sa kapulisan na magtrabaho para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.
“At kung malaman ko ‘yan, sabihin ko talaga doon sa mga police, ayan nakikinig ‘yung mga police, p****i** you solve that problem or I will solve the problem for you. And I will deal with you, after I shall have solved the problem. Meaning to say, kung inutil ka lang naman dyan, p***i** wala ka nang, ka sayang ng bayad, ka laki ng sweldo ninyo,” giit ni dating Pangulong Duterte.