FPRRD inamin na hindi gusto ng iba ang kaniyang mga nagawa sa Pilipinas

FPRRD inamin na hindi gusto ng iba ang kaniyang mga nagawa sa Pilipinas

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na marami siyang ginawa na hindi nagustuhan ng iba.

Gayunman, iginiit ni FPRRD na ginawa niya ang lahat ng iyon para sa kapakanan ng Pilipinas.

Ayon sa kaniya, hindi rin maaaring sabihin na nagpayaman lamang siya noong naging pangulo ng bansa mula 2016 hanggang 2022, dahil wala naman aniyang nagbago sa kaniyang pamumuhay.

Sinagot din niya ang isyu hinggil sa umano’y pagtakas niya papuntang Hong Kong upang maiwasan ang pag-aresto ng International Criminal Court (ICC).

Matatandaang may nakahaing reklamo sa ICC laban kay FPRRD kaugnay ng sinasabing extrajudicial killings na naganap noong ipinatupad niya ang kaniyang drug war campaign.

Sa harap ng kontrobersiya, hinamon ng dating pangulo ang mga awtoridad na maaari naman siyang tawagan at kusa siyang sasama sa kanila.

Aniya, hindi na kailangang magpadala ng libu-libong pulis para lang siya ay arestuhin.

Sa huli, iginiit niyang wala siyang maalalang nagawa niyang kasalanan laban sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble