SABI nga, ang Pilipinas, Duterte pa rin. Napatunayan na ito ng maraming beses kahit pa tapos na ang termino nito bilang dating Pangulo ng bansa. Walang Pinoy na hindi nakakikila sa kanya—ultimo mga bata na ang karaniwang alam ay puro laro, si Tatay Digong pa rin ang bukambibig. Kaya naman hindi na kataka-taka pa na pagdating sa politika, malakas pa rin ang mga Duterte.
Aminado rito ang senatorial candidate ng PDP na si Atty. Jayvee Hinlo. Nananatili pa rin aniyang sikat, malakas, at matunog ang mga Duterte sa mundo ng politika at panunungkulan. Ito’y kahit pa wala na siya sa Pilipinas matapos na piniling ibigay ito ng Marcos Jr. administration sa mga dayuhan, partikular na sa International Criminal Court (ICC).
Ani Atty. Hinlo, hindi maikakaila na marami pa rin sa mga Pilipino, hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa, ang hanggang ngayon ay bilib kay Duterte bilang isang lider ng bansa.
“We are talking about him even though he is not here sa Pilipinas,… dahil nagserbisyo siya ng tapat sa atin… alam niya na hindi siya tradisyunal na lider, pinatihimik niya yung Davao City,” ani Atty. Jayvee Hinlo, Senatorial Candidate.
FPRRD, natatanging pangulo na popular at suportado sa buong mundo
At dahil naman sa ginawa ngayon ng pamahalaan sa dating pangulo, tiyak na nagbabadyâ ito ng panibagong kasaysayan na mangyayari sa bansa, sa mga Duterte, at sa mga nagmamahal sa dating presidente.
Kaya dapat na magpakalakas aniya ito habang inilalaban ng kaniyang mga abogado ang kanyang karapatan at kalayaan.
Para sa mga taga-Bicol Region, saksi rin ang tumatakbong pagka-bise gobernador ng Albay sa ilalim ng PDP slate na si Jun Alegre sa pagmamahal ng mga Pilipino para kay dating Pangulong Duterte.
Sa katunayan, kauna-unahan aniya ito sa ICC na may isang akusado na imbes na kamuhian ng tao, lalo pang naging popular at minamahal ng buong mundo.
“Alam naman natin… Mawalan na ng bisa itong kasong ito,” saad ni Jun Alegre, Vice Gubernatorial Candidate, Albay.
“Ang history ang magdiya-judge kay PRRD, at sana magdasal tayo na healthy enough siya na matapos ang prosesong legal… ‘yan ang reality,” ani Hinlo.
Mga kandidato ng PDP, hiniling na iboto ngayong 2025 midterm elections
Sa kabilang banda, bagama’t wala pang kasiguraduhan sa kapalaran ng dating pangulo na ngayon ay tuluyan nang inabandona ng gobyerno, isa ang hiling ng mga kaalyado nito sa publiko: na piliin ang mga kandidatong may kaparehong dedikasyon at malasakit sa bayan gaya ng dating pangulo.
Mga kandidatong ipagtatanggol ang mga naaabuso at magpapataw ng kaparusahan sa mga abusado.
“Ano ang mukha ng Senado kung walang… lahat kami,” giit ni Hinlo.