FPRRD, mangangalap ng pondo para sa mga pulis na natanggal sa serbisyo dahil sa War on Drugs

FPRRD, mangangalap ng pondo para sa mga pulis na natanggal sa serbisyo dahil sa War on Drugs

HAHANAPAN niya ng pondo para matulungan ang mga pulis na na-dismiss dahil sa pagganap ng kanilang tungkulin noong panahon ng drug war campaign.

Ito ang ipinangako ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa naging hearing sa Quadcom ng Kamara nitong Nobyembre 13, 2024.

Nilinaw naman ng dating pangulo na hindi lahat ng mga na-dismiss na pulis ay inosente dahil may iba na natanggal sa serbisyo na may pinagbabatayan.

Samantala, inako ng dating presidente ang lahat ng legal responsibility sa kaniyang drug war campaign.

Iginiit din nito na ang mandato niya sa mga pulis ay self-defense at patayin ang mga durugista kapag manlaban ang mga ito.

Binigyang-diin na rin ni FPRRD sa huli na ginawa niya ang drug war campaign sa ilalim ng kaniyang administrasyon para protektahan ang mga Pilipino.

Follow SMNI NEWS on Twitter