PERSONAL na nakiramay si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga pamilya ng mga biktima ng Bagyong Kristine na nasawi dahil sa pagguho ng lupa noong Oktubre 24, 2024 sa Brgy. Sampaloc, Talisay, Batangas.
Kasama niya ang grupo mula sa Special Projects Division at Public Assistance Division ng Office of the Vice President upang magbigay ng burial assistance para sa mga naapektuhang pamilya.