Free legal aid para sa mga biktima ng Marawi Siege, inialok ng DOJ

Free legal aid para sa mga biktima ng Marawi Siege, inialok ng DOJ

NAGBUKAS ng libreng legal aid ang Department of Justice (DOJ) kasama ang iba pang mga sangay nito para sa mga internally displaced persons at mga biktima ng Marawi Seige noong 2017.

Batay sa bisa ng Department Order No. 324 ni Justice Secretary Crispin Remulla, inilunsad na ang DOJ Action Center at Public Attorney’s Office ang Katarungan Caravan na nagsimula ngayong araw at tatagal hanggang Hulyo 3, 2024.

Layunin din aniya ng programa na matulungan ang mga biktima at nawalan ng tirahan dahil sa giyera sa Marawi.

Ang programa ay alinsunod sa probisyon ng Marawi Siege Compensation Act, kung saan itinakda sa Hulyo 3, 2024 ang deadline sa paghahain ng claims ng mga biktimang residente.

Maaari aniyang magtungo sa Ground floor ng Sultanate’s Bldg. sa New Capitol Complex-Annex Compound, Buadi Sacayo, Marawi City ang mga residenteng mag-aavail ng mga nasabing serbisyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble