KINAKAILANGAN ng masusing pag-aaral ang bawat hakbang na gagawin ng gobyerno ng Pilipinas sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
”May kaniya-kaniyang interes”
Ito ang opinyon ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ sa programang Give Us This Day nang tanungin kung ano ang kaniyang masasabi sa water cannon incident sa karagatan ng Ayungin Shoal kamakailan.
Ang insidente na ito ay nagtulak sa panig ng China na muling ipanawagan ang pagtatanggal ng BRP Sierra Madre, isang barko ng Pilipinas na naka-istasyon sa Ayungin Shoal mula pa noong 1999.
Dahil dito, inihayag naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na kung sakaling mayroon mang pinirmahang kasunduan ang Pilipinas ukol sa pagtatanggal ng kalawanging barko sa pinag-aagawang teritoryo ay kinakansela na niya ito.
Ayon sa butihing Pastor, ang bawat panig ay may isinisulong na sariling interes kaya naman nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pinag-aagawang mga teritoryo sa South China Sea.
“For me, my own opinion for this is that all the parties involved have their own interest, everybody’s working for their own interests whether personal interests of national interests or geopolitical interests like for example, we have our own Philippine interest, china has its own Chinese national interests. America has its own geopolitical interest, that’s why they are here. So those contrasts in interests are the ones that are now in conflict with each other. So, it’s a very long discussion and very long dissertation or narrative if you want to discuss it,” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Samantala, muling nanawagan si Pastor Apollo na huwag pabugso-bugso sa mga desisyon ang mga naihalal na opisyal ng bansa pagdating sa isyu ng pinag-aagawang teirtoryo sa South China Sea.
Kinakailangan umano ay pag-aralan muna ang magiging bunga ng mga aksiyon nito.
Ito’y kasunod ng pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na dapat ay kanselahin o i-boycott na lahat ng proekto ng gobyerno sa Chinese companies lalo na ang mga kumpanya na pagmmay-ari ng gobyerno ng China kasunod ng insidente sa Ayungin Shoal.
“I think it’s going too far, kaya sinabi ko ‘wag munang mag pabugso-bugso ng mga desisyon. Pag isipan at pag-aralang mabuti bago tayo gumawa ng hakbang o desisyon na makakabuti ba ito sa ating bansa o makakasama? In the long term, kasi ‘pag tayo ay nag decide at tayo ay galit, baka mali ang desisyon natin. Kaya pag bulay-bulayin muna, pag-isipan at pag-aralang mabuti ang mga consequences o ang mga magiging resulta ng ating mga desisyon. ‘yun ang pinakamagandang gawin muna,” ani Pastor Apollo.
Dagdag pa ni Pastor Apollo, dapat ay isulong ang interes ng Pilipino sa anumang desisyon o hakbang na gagawin ng gobyerno.
“So ‘wag tayong mag dedecide pagka tayo ay mapusok at galit. Pag-isipan , pag-aralan, pag bulay-bulayin kasi ang ating interes dito kung ano ang ikabubuti ng ating bansa. So ‘wag tayong maging bias dito, ‘wag tayong masyadong bias doon, nasa gitna tayo. We are not working for chinese interest, for american interest, we are working for filipino interest,” ayon sa butihing Pastor.