UMAGA nitong Mayo 6, isang gasolinahan sa Brgy. Salugan sa Camalig, Albay ang tinupok ng apoy.
Sa video ng insidente, makikita ang pag-andar ng isang nasusunog na van palayo sa gasoline pump at palabas ng gasolinahan.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, unang nasunog ang van habang nagpapagasolina ito sa gas station dahilan para madamay sa sunog ang gasoline pump.
Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente matapos na agad makababa ang mga pasahero ng van bago tuluyang sumiklab ang apoy.
Mabilis namang naapula ang sunog at idineklarang FIRE OUT bandang alas-10 ng umaga.