TUMAAS muli ang Gross Domestic Product (GDP) ng Thailand sa 3rd quarter ngayong taon.
Sa datos ng pamahalaan, may annual growth ito na 2.5% nitong Abril hanggang Hulyo na mas mataas kumpara sa nakaraang taon.
Ngayong taon naman ay nasa 3% hanggang 3.5% ang itinaas ng ekonomiya ng bansa.
Naniniwala naman ang pamahalaan na tataas pa sa 3.6% ang ekonomiya nito sa pagpasok ng maraming turista sa bansa.
Samantala, nitong 2nd quarter ay bumaba ang GDP ng bansa dahil na rin sa mahigpit na seguridad sa nagpapatuloy na pandemya.